Kami'y Hindi Makata

TAPAYANG GINTO

Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.

Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.

Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.

-SDDG '09

RockYou FXText

Paunang Salita

Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……

Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.

Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.

Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.

Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.

…………………………………………………………………………….

Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.

Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.

Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.

Friday, November 13, 2009

Sa Paskong Darating
Ni: Krantz Paul Zerrudo

Ano ba talaga ang halaga ng Pasko sa mga Pinoy? Anu-ano ang nagpapatunay na mahalaga ang Pasko sa mga Pinoy? Bakit natin ito ipinagdiriwang? Ang bawat Pasko ay mahalaga sa mga Pinoy sapagkat dito tayo nakakatanggap ng regalo at dito rin umuuwi ang ating mga mahal sa buhay na galing pa sa iba’t ibang lugar para lang idiwang ang pasko na magkakasama. Subalit, papaano naman ang mga mahal natin sa buhay na hindi makakarating sa Araw ng Pasko dahil sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa para lang sa atin at nagsasakripsyo sila kahit gusto nilang magkakasama tayong ipagdiwang ang Araw ng Pasko?

Kilala ang mga Pinoy na pinakamahabang magdiwang ng Pasko at isa sa mga nagpapatunay nito ay makikita na agad pag “ber” months. Tayo’y naghahanda at nagsasabit ng iba’t ibang desinyo na angkop sa Pasko, nararamdaman mo talaga ang hilig ng mga Pinoy sa Pasko dahil sa mga makukulay, magaganda at malalaking parol na nakasabit sa mga daan, Christmas lights na nakasabit sa bawat puno sa parke, iba’t ibang klaseng Christmas tree na nakalagay sa bawat tahanan ng mga Pinoy, at ang mga batang bumibisita sa bawat bahay at kumakanta ng mga awiting tungkol sa Pasko.

Kapag papalapit na ang Pasko, marami na ang naghahanda upang makumpleto ang Simbang Gabi o Misa de Galleo at ang hudyat sa pagsisimula ng misa ay ang pagtunog ng dambana.. Nagtitipon-tipon tayo sa simbahan upang magdasal na mtaimtim. May mga kasabihan pa nga na kapag nakumpleto mo ang Simbang gabi ay tiyak na isa sa mga kahilingan mo ay matutupad.

Hindi naman magpapadaig ang pangalang “SANTA CLAUS” tuwing darating na ang Pasko. Siya ay kilala ng bawat Pilipino lalong-lalo na ang mga bata.

Ang ating isipn ngayong Pasko, sa kabila ng kasiyahan na binibigay ng Pasko dahil sa mga natatanggap nating mga kagamitan, hindi ito ang tunay na mensahe na gusting iparating ng salitang Pasko. Ang tunay na kahulugan ng Pasko ay ang pagmamahalan sa kapwa tao kahit sinuman siya, kilala man natin o hindi, mahirap man o mayaman, dapat nating bigyan ng sapat na pagmamahal at respeto upang mabuo talaga ang ating pinagdiriwang. At ang pasko ay ang oras ng pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap natin sa ating paglalakbay dito sa mundong ibabaw. Sana’y ngayong Pasko, ay iiral ang tunay na kahulugan nito sa bawat puso ng mamamayang Pilipino.

4 comments: