Kami'y Hindi Makata

TAPAYANG GINTO

Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.

Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.

Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.

-SDDG '09

RockYou FXText

Paunang Salita

Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……

Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.

Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.

Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.

Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.

…………………………………………………………………………….

Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.

Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.

Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.

Friday, November 13, 2009

Kalayaang Natatamo?
Ni: Daniel Anthony Alngog
Pitong araw sa isang linggo, apat na linggo sa isang buwan, labindalawang buwan sa isang taon, ang liwanag mula sa sikat ng araw ay bumubuo sa bawat segundong nabubuhay tayo. Liwanag na nagpapahiwatig ng kalayaan na ating natamo mula sa mga banyagang mananakop. Buhay ay nawala, dugo’t pawis ay inalay upang makita lang ang pagsikat ng araw sa bayang minamahal. Mga Pilipinong magiting na lumaban at walang humpay na pilit itinatayo ang bandila ng Pilipinas. Naitatag nila ang bansang Pilipinas sa kanilang sariling pananaw at nagsimula na ang pamumuhay natin ng malaya sa kamay ng mananakop. Ngunit, iba ang nakaraan sa kasalukuyan. Sa pagbukas ng ating mga mata, at pag-umpisa ng pagdinig ng ating tenga, masasabi pa ba natin na sa panahong ngayon “malaya pa tayo”?
Bomba dito, bomba doon, maraming tao ang namamatay lalong-lalo na ang mga lugar dito sa Mindanao. Maraming tao ang umiiwas na pumunta sa Mindanao dahil sa takot na mamatay sa kaguluhan dito. Ilang taon na ba ang nakakalilipas nang sumiklab ang kaguluhan dito sa Mindanao? Matagal na matagal na yun pero bakit wala paring pagbabago na nagaganap? Di ba’t ang lahat na bagay dito sa mundo ay mayroong sariling rason kung bakit sila nabuhay dito? Siguro mayroon lang silang pinipilit na ipaglaban na problema na hindi nakikita ng gobyerno, nasa mamayan man o nasa loob mismo ng gobyerno. Mga problemang pilit ipnararating ngunit pilit din namang iniiwas sa dalangin.
Ang gobyerno naman ay itinatago ang lahat nilang lagim. Ang kataksilan sa sariling bayan ay patuloy pa rin ginagawa kahit alam na nila na mali ito. Ninanakawan nila ang sariling bayan na dapat nilang pagsilbihan ng marangal at ng buong puso. Binigyan sila ng sapat na respeto, pinagkakatiwalaan at nananalig na ipahayag ang lahat ng totoo. Ngunit binulag pa rin nila tayo sa pagagamit ng pera at ang kapangyarihan na binigay natin sa kanila na hindi nila dapat ginagawa. Tayo naman na simpleng mamamayan ay walang magagawa kundi sumunod sa lahat nilang kagustuhan upang mabuhay lang ng mas matagal at matiwasay dito sa mundong kinagisnan.
Unti-unting nawawalan na tayo ng kalayaan na hindi natin namamalayan. Bibig ay pinipi, mata’y binulag, paa’y nilumpo, tenga’y biningi at ang dangal ay winasak. Wala na tayong magagawa kundi sumunod sa kanila at maging tuta sa kapwa kababayan. Wala na tayong pwedeng gawin kundi manood sa lahat nilang masamang gawain, makinig sa lahat nilang sinasabi at tumitingala sa kanilang taglay na kapangyarihan. Wala na talaga, wala..... Wala nga ba?
Ngayon, ating nakikita ang mga lagim na ginagawa ng gobyerno sa ating inang bayan, kaya’t tayo na mismo ay tumayo mula sa pagkadapa, sirain ang mga kadena na nagpapaalipin sa atin, huwag ng magbibingihan, magbubulagbulagan at tayo na’t lumaban para sa ating inang bayan. Sama-sama tayong kumilos upang ilaya muli ang ating inang bayan sa bilanggo na kinaroroonan at ibalik siya sa liwanag na dapat niyang kinalalagyan. Marami nang mga tao ang nagsakripisyo upang makita lang natin ang pagbukangliwayliway ng ating bayan, mga bayani na namatay alang-alang sa ating bayan, mga kababayan na nagdurusa upang maisiwalat lang ang katotohanan. Kaya’t ipagpatuloy na natin ang kanilang sinimulan at huwag sayangin ang pakakataon na maging malaya tayo. Kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat...

No comments:

Post a Comment