Kami'y Hindi Makata
Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.
Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.
Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.
-SDDG '09
Paunang Salita
Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……
Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.
Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.
Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.
Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.
…………………………………………………………………………….
Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.
Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.
Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.
Friday, November 13, 2009
Ni: Jam Marie Tomen
Puspos ang katahimikan ng aking puso,
Paligid ay ‘di ko binigyang pansin,
Manhid man aniya ako’y ilarawan,
Mapusok na damdamin ang siyang pinairal.
Sa kahapong lumipas, ako’y nakakulong,
Ang paglimot ay sadyang napakalabo,
Pagsasawalang bahala ko’y kawalan ang idinulot,
Samahang pinakaingata’y nabaon sa limot.
Tulad ng inaakalang pagkakaibigan,
Nina Padre Damaso at Rafael Ibarra,
Di inaasahang ito’y pawing kasinungalingan,
Kaya’t Crisostomo Ibarra sa ama’y nangugulila.
Tunay na kaibiga’y hindi hinahanap,
Sila lamang ay kusang dumarating,
Kanila ring pag-alis ay hindi inaasahan,
Walang imik, walang pasabi.
Labis ang aking kalungkutang nadama,
Luha’y dumaloy sa aking mga mata,
Ngunit ako ay walang nagawa,
Inisip na lamang ang kasiyahan nila.
Ako sana’y inyong ‘wag tularan,
Pagkakaibigan ay inyong pahalagahan,
Panguguglila’y sadyang ‘di maiiwasan,
Ngunit anong magagawa, ngayong kaibigan ay wala na.
heheheheh\
ReplyDeletelaw-ay!!!
ReplyDelete