Kami'y Hindi Makata
Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.
Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.
Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.
-SDDG '09
Paunang Salita
Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……
Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.
Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.
Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.
Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.
…………………………………………………………………………….
Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.
Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.
Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.
Friday, November 13, 2009
Ni: Dianne Vega
Ala una ng umaga, hindi ako makatulog. Naisipan kong uminom ng tubig. Nang pababa ako sa hagdan, napansin ko na bukas and ilaw sa silid ng nakakatanda kong kapatid. Nagtaka ako sapagkat mag-uumaga na, nakasindi parin ang ilaw sa kanyang silid. Sa aking pagtataka minabuti, kong tingnan kung gising pa siya o kaya ay naiwan niya lang bukas ang ilaw. Binuksan ko kaunti ang pinto at suminip. “Hindi pa pala siya tulog.” Marahan kong sinara ang pinto at kumatok. Pumasok ako agad at mabilis niyang isinara at intinayo sa “drawer” ang hawak-hawak niyang aklat: “Elena” tinawag niya ako “Bakit gising kappa?” “hindi kasi ako makatulog. Iinom sana ako ng napansin kong bukas pa ang ilaw mo kaya napadaan ako dito.” Sagot ko sa kanya. “a ganon ba, matutulog na rin ako gusto mo dito kanalang matulog?” “Sige ate salamat.” Pinatay ko ang ilaw sapagkat ako ang malapit dito habang ang ate ko ay nakahiga na sa kama. Humiga na rin ako at nong tignan ko ang orasan ala una bente na. Hindi parin ako makatulog sa sobrang pagtataka sa itinago niyang aklat.
Kinaumagahan, hinintay kong maunang bumangon ang ate ko para maligo. Nang paalis na siya sa silid bitbit ang tuwalya, sinamantala ko na ang pagkakataon na halughugin ang drawer ni ate. Kinakabahan ako bumangon at nilapitan ang drawer ni ate. Mahigpit kong hinawakan ang hawakan ng drawer. Nagdadalawang isip ako agad na buksan ito dahil alam kong magagalit si ate Theresa. Ngunit huli na ang lahat ng biglang pumasok si ate Theresa at sa sobrang gulat nabuksan ko ang drawer.
“Elena!” pagalit na sigaw ni Theresa.
“a-ate…ate!” nagmamakaawang paliwanag ni Elena.
“ba’t mo ‘yan pinakialaman? Wala kang karapatan!” galit na galit na tugon ni Theresa.
“hindi ate, hindi ko sinasadyang mabuksan ito” paluhang paliwanag ni Elena.
“anong hindi?! Eh, kitang kita naman ah” naiinis na sumbat ni Theresa sa naluluhang kapatid.
“patawad ate, maniwala ka hindi ko intension na buksan ito, ngunit nagulat ako sa’yo” paiyak na sagot ni Elena.
“pero nagbalak ka pa rin” mahinahon niyang sagot.
“dahil nabuksan mu na lang rin at mapapasaiyo na man iyan sa susunod,eh ipapakita ko na lang sayo” nilapitan ni Theresa ang umiiyak na kapatid at niyakap. Agad na kinuha ni Theresa ang aklat. Laking gulat ni Elena nang Makita niyang noli me tangere ang napapaloob sa drawer. Binuksan ni Theresa sa huling pahina at pinabasa kay Elena ang sulat.
Anak ko,
Nais kong ipadama sa iyo ang aking pagmamahal at presensya kahit ako’y wala na. sana ang aklat na ito ay sapat na para madama mo ang aking pagmamahal. Kahit malumaluma na ang aklat na ito, marami kang mapupulot na aral ditto. Nais kong maipamana mo ito sa iyong kapatid at sa taong magiging bahagi ng buhay mo. Ito ang tangi kong pamana sayo.
Nagmamahal,
Itay
“salamat ate at ipinabasa mo sa akin ang sulat na ito. Patawad ulit dahil hindi ako naghintay.” Tuwang tuwa niyang sagot at niyakap ang kapatid.
“ano ka ba? Ayos lang yun kapatid kita eh…gusto mo bisitahin natin si itay?”
“sige mamayang hapon, isama na lang rin natin si bunso at ang inay” ang ngumingiti kong sabi sa aking ate. Kinahapunan pumunta kami sa puntod ni itay. Nang hapong iyon muling nagsamasama ang aming pamilya kahit wala na si itay.
No comments:
Post a Comment