Kami'y Hindi Makata

TAPAYANG GINTO

Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.

Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.

Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.

-SDDG '09

RockYou FXText

Paunang Salita

Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……

Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.

Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.

Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.

Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.

…………………………………………………………………………….

Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.

Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.

Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.

Friday, November 13, 2009

Kailangang ipunla sa kabataan ang diwa ng lubos na pagtitiwala, panatag na kalooban at pagpapahalaga sa sarili
Ni: Nomaelle Jenn Valencia



Meron tayong kasabihan na nag kabataan ang pag-asa ng bayan. Wikang binigkas at binigyan natin ng kahu;ugan. Pag-asa nga ban g bayan an gating mga kabataan? Sa paanong paraan natin sila huhubugin para maging handing pag-asa ng bayan?

Silang mga nakakatanda ang dapat gumabay sa mga kabataan upang pag-asa ng bayan ay makamtan. Dapat hubugin sa tamang landas at iahanda ang mga kanilang hinaharap. Kailangan tayo ring mga bata ay sumunod sa mga pinapayo n gating mga magulang o nakatatanda sa atin dahil may mga kasabihang “Walang ang hindi iniisip ang kapakanan ng kanyang anak” na lubos nating paniwalaan. Dapat rin tayong magsikap upang makatapos tayo n gating pag-aaral para sa gayon matulungan natin sila at tayo naman magpapanatag ng kanilang kalooban. Magtiwala tayo sa anumang kaya nating gawin, ipakita mo sa lahat na mayiba-iba tayong talento na pwedeng ipagmalaki at ibahagi sa iba. Ang mga paghihirap na dinaranas ay makakatulong rin sa atin balang araw, kaya maging panatag tayo sa ating kalooban at pag-iisip para malampasan ang mga ito. Sa kabilang dako, bilang magulang kailangang ipunla sa kanila ang diwa ng lubos na pagtitiwala, pagiging matatag at panatag na kalooban at pag-iisip at higit sa lahat ang pananaligsa sa sariling kakayahan. Ito ang kanilang mga sandata upang sila ay maging mabuti, marangal, may tiwala at paninindigan o prinsipyo kahit na ano mang unos o problema ang darating sa kanilang buhay ay hindi kaagad-agad silang susuko bagkus mananatili silang matatag at di-padadala sa kahit na anong pagsubok. Tulad sa panahon ngayon, maraming pagsubok ang dinaranas n gating bansa, pati nga ang mga mamamayan ay naaapektuhan. Mga bagyong sunod-sunod na humagupit at mga kriminiladid sa lipunan na nagiging dahilan ng pagkamatay at pagkalubog ng ating bayan. Pero bilib talaga ako sa mga Pilipino dahil kahit ganitong mga nangyayari man ang nararamdaman ay patuloy pa rin tayong nabubuhay at pilit na pinapaunlad ang Pilipinas para mas madaling makamtan ang landas patungo sa magandang hinaharap na para sa mga kabataan na binansagang “Pag-asa na bayan?”, patunayan na nga natin, para wala nang tandang pananong sa huli “n” ng bayan… di ba noh!

No comments:

Post a Comment