Kami'y Hindi Makata
Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.
Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.
Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.
-SDDG '09
Paunang Salita
Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……
Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.
Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.
Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.
Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.
…………………………………………………………………………….
Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.
Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.
Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.
Friday, November 13, 2009
Ni: Elyssa Lee
Ika-1 ng Marso taong 1994 mayroong isang sanggol na ipinanganak sa gitna ng kabukiran, pinangalan siyang Ellsa Dimakilala. Pinalaki si Ellsa ng mabuti ng kanyang mga magulang, tinuruan siyang maging masunurin, mapagmahal at higit sa lahat ay ang maging matatag sa pagharap ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Sa edad na 16 si Ellsa ay maagang naulila, ang nanay ay namatay dahil sa nahulog na niyog na tumama sa kanyang ulo at ama nama’y aksidenteng nainom ang “pesticide”.
Dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang nagdesisyon si Ellsa na pansamantala muna makikitira sa kanyang tiyahin habang hindi pa ito nakakahanap ng trabaho.Ilang buwan pa ang lumipas at hindi pa rin makahanap ng trabaho si Ellsa kaya napagpasyahan nitong lumuwas na lang ng Maynila upang doon makipagsapalaran.
Pagdating ni Ellsa sa maynila ito’y manghangmangha sa nakita; mga naglalakihan gusali, napakaraming sasakyan at higit sa lahat ay ang kanyang idolo na si Mommy Dionisia.
Napatalon sa labis na kaligayan si Ellsa ng makita si mommy D. sapagkat kay tagal na nitong minimithing makita siya ng personal. Hindi namalayan ni Ellsa na gumagabi na pala. Minabuti na lang niyang maghanap ng matutuluyan at mapalad naman siya dahil may nagmagandang loob na tumulong sa kanya upang makahanap ng matutuluyan, tinuro sa kanya ng matandang babae ang isang bakanteng apartment sa tabi rin ng tinutuluyan nito, dahil sa sobrang pagod ni Ellsa hindi niya nagawang pasalamatan ang matandang tumulong sa kanya. Kinabukasan nang maalala niya ang matanda agad niya itong hinanap at nagpasalamat at iyon na naging hudyat ng kanilang pagkakaibigan.
Sa ilang buwan na pamamalagi ni Ellsa sa Maynila wala itong inanaksayang panahon, halos araw – araw ay naghahanap siya ng trabaho. Isang araw mayroong nakasalubong si Ellsa na isang babaeng namamalimos na tila ba ilang buwan ng kumakalam ang sikmura, dahil sa sobrang awa ni Ellsa minabuti niyang ibigay na lang ang biniling tinapay na dapat ay panaghalian niya. Dahil sa kabutihang asal na ipinakita ni Ellsa maraming biyaya ang natanggap niya , nakahanap siya ng matinong trabaho.
Sa dalawang taon niya sa maynila hindi lahat ng karanasan niya ay magaganda. Mayroong mga pagsubok na kinaiilangan niyang pagpakatatag upang ito’yu malagpasan. Marami tao nilalait at minamaliit siya ngunit siya hindi nagpatalo sa lahat ng mga taong ang tangin sa kanya’y mangmang. Sa tuwing may manlalait sa kanya ang iniisip niya na lang ay mas mabuti pang maging mangmang kaysa magkaroon ng kasuklamsuklam na pag-uugali.
Habang papauwi na si Ellsa sa kanyang tinutuluyang apartment bigla itong kinagat ng asong gala. Hindi pinansin ni ellsa ang sugat na naidulot ng kagat ng aso. Kaya namatay io sa impeksyon.
Tulad ni Crisostomo si Ellsa ay hindi sumuko sa lahat ng pagsabok sa buhay niya. Hindi siya nagpatalo, hinarap niya ito ng buong tapang. Kung maari lang sanang lahat tayo.
No comments:
Post a Comment