Kami'y Hindi Makata

TAPAYANG GINTO

Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.

Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.

Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.

-SDDG '09

RockYou FXText

Paunang Salita

Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……

Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.

Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.

Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.

Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.

…………………………………………………………………………….

Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.

Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.

Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.

Friday, November 13, 2009

Kapansanan ng Ating Lipunan
Ni: Shara Mae Disomangcop

Ano pa nga ba ang mas tatamis sa tunay na pagmamahal?

Alas syete na! nagmamadali kong inubos ang aking almusal at saka kinuha ang aking baon sabay halik sa pisngi ng aking mga magulang. “Buti na lang nakasakay ako agad”, sabi ko sa aking sarili. Habang papunta sa paaralan aking napagmasdan ang ating lugar. May mga bata akong nakita,nakaupo lang at tila hindi pa naka ligo. Nakakapagtaka. Hindi ba sila mag-aaral? At heto pa yung baliw na parati naming nakikita ng aking mga kaklase. Naninigarilyo nanaman siya at namumulot ng mga kalat sa labas ng isang unibersidad. Ngunit kahit papaano ay nakakatulong siya sa ating lipunan sa paraang maluwalhati. Hindi ko namalayang dumating na ako sa paaralan. Bumaba ako at inabot ang aking bayad. Lumapit sa akin yung batang babae na humuhingi ng pera, kasama pa niya ang kanyang kapatid at doon sa isang tabi nakaupo ang kanyang ina. Iniabot ko sa batang babae ang sukli ng aking bayad.

Buntong hininga.

Hindi natin maikakaila ang kahirapan na ating pinagdadaanan. Kahirapan na hindi lang dulot ng kakulangan sa pera kundi pati na rin ng mga diskriminasyon. Ang kahirapan ding ito ang nagdudulot ng iba’t ibang kapansanan sa mga taong bayan. May mga nababaliw ng kahirapan, isang halimbawa nito si Sisa mula sa nobela ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere. May mga hindi makalakad, hindi makapagsalita o di kaya ay hindi maka galaw ng maayos. Ang lahat ng mga ito ay mga kapansanan ngang maituturing, ngunit ano nga ba ang tunay na kapansanan?

Ang kapansasnan ay hindi lamang dahil hindi makarinig ang isang tao, hindi dahil hindi makakita o di kaya ay kulang kulang ang parte ng katawan. Ang kapansan ay napapatungkol sa mga taong nakakarinig ngunit hindi nakikinig, mga taong nakakakita ngunit nagbubulagbulagan. Maituturing ko na ang ang ating lipunan ay may malubhang kapansanan. Marami sa atin ang nakakakita ngunit hindi iminumulat ang mga mata sa tunay na kalagayan ng ating mga lipunan. Nakakakita ngunit nabubulag ng kasakiman, karangyaan, kapangyarihan at kayamanan. Nabubulag tayo ng ningning. Tayo’y nakakarinig ngunit hindi natin pinakikinggan ang ang hinaing ng kanilang mga puso at mga pagsusumamo nila.

Naniniwala ako na ang diskriminasyon ay naririto pa rin hangga’t hindi pa nagagamot at napagtutuunan ng pansin ang kapansanan ng ating lipunan. Lumipas na ang panahon, nawala na ang mga mananakop ng ating bansa, napatalsik na si Marcos, nakamit na natin ang demokrasya, namatay na si Cory ngunit nandito pa rin ang diskriminasyon. Ramdam ko pa rin ito. Pinandidirihan ang mga mahihirap, ina alila at ina alipusta ang mga taong mas mababa ang kalagayan sa lipunan, pinaglalantaran sa mga pahayagan o telebisyon ang mga nagkakasala sa batas na naniniwala sa Relihiyong Islam bilang isang muslim at hindi bilang isang Pilipino. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pag Kristiyano, Protestante, Born Again o di kaya ay Alliance ang may sala, hindi naman inilalagay kung anong relihiyon nila? Pilit mang ikubli ang katotohanang ito, pero sino pa ba ang maaaring kumaila nito? Dalawa lang
ang maaaring maidulot nito, napipilitang maging pipi ang mga ito tungkol sa ating lipunan dahil sa takot; o pilit silang manlalaban upang ipagtanggol ang kanilang sarili o di kaya ay para sakanilang karapatan.

Ang mga ito ang masasabi kong bumabalakid sa ating kaunlaran. Ang kahirapan, mga diskriminasyon at higit sa lahat ay ang kapansanan ng ating lipunan. Isa lamang ang naiisip ko na maaring maging solusyon nito,ang edukasyon. Naniniwala ako na hindi lamang mga kaalaman ang maaari nating matutunan kundi mga “morals and values”, katulad ng pagmamahal sa ating bayan at mga kababayan pati rin ang pagkakaisa. Ang mga ito ang tutulong sa atin na supilin ang mga balakid na ito patngo sa kaunlaran at upang makamit ang tunay kalayaan na maaring maging mas matamis pa sa tunay na pagmamahal. May mga nawalan man ng paniniwala sa sinabi ni Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ngunit patuloy parin ang aking pag-sa na hindi man ang mga kabataan ang magiging susi ng pagbabago sa ating lipunan pero sila ang magiging pinuno sa hinaharap, na maaring mahubog at magtatala ng panibagong buhay sa mga Pilipino. Ito ang pakatatandaan, nasa ating mga kamay ang gusto nating pagbabago at nawa’y huwag nating kalimutan na “Lalong gaganda ang kinabukasan kung tayo’y may pinag-aralan”.

Ooops!! Time na pala! Nagmamadali akong pumasok sa silid-aralan upang iwan ang aking bag at dali-daling pumunta sa field.

2 comments: