Kami'y Hindi Makata

TAPAYANG GINTO

Ito ay isang libro. Proyekto ng klaseng Sto. Domingo de Guzman '09. Ang ano mang nakasaad rito ay nakasulat rin doon. Walang Kahit na anong pagbabago ang naisagawa.

Hindi kami makata sapagkat sinubok namin ang aming angking galing at talino upang matapos at mailimbag ang librong ito. May mga TULA, KUWENTO, at SANAYSAY kaming inihanda pero hindi rin kami sigurado kung ito ay swak sa panlasa niyo. Kami'y nag-sisimula pa lamang lumakbay patungo sa hinaharap sa tulong ng aming gurong si Ginoong Richard P. Moral, Jr.

Nawa'y lubos niyong maibigan ang aming mga mumunting artikulo.

-SDDG '09

RockYou FXText

Paunang Salita

Imuklat mo ang iyong mata’t isipan sa isang munting paglalakbay……

Utak ay binubulabog ng mga kalabang hindi mo nakikita. Atake dito,atake doon, walang parteng nailigtas sa kanilang pakikihimasok. Basta ang alam natin ay ang kanilang pakay ay maipahayag ang katotohanan at maiani ang bawat emosyon na naitanim sa kalalamin ng ating puso. Sila’y mumunting bagay lamang ngunit, kapangyarihan nila’y hindi mayayanig. Katalinuha’y kanilang hatid sa puso’t isipan na kanyang binabatid.

Titik na pumipilit umaalsa sa katotohanang kaniyang inihatid. Gabay ang kamay at isipan upang mapukaw ang bawat pusong natutulog sa kabila ng lahat ng kasinungalingan na bumabalot sa kanya. Saksi ang panulat’ papel sa kabayanihang hatid ng bawat titik na naiambag.

Marami ang bumabatikos sa katotohanang naimulat ng bawat titik at salita. Ngunit, sila’y patuloy na lumalaban upang maisiwalat lang ang kung ano ba ang nararapat.

Tayo’ nakakabasa’t nakakasulat ay maswerte sa pagiging taga likha ng mga matatapang na titik na ito. Kaya’t tayo na mismo ang magpapayaman dito at maging inspirasyon sa pagmulat ng mga tinatagong katotohanan sa susunod na henerasyon.

…………………………………………………………………………….

Ngayo’y mga titik ay binigyan ng liwanag ang kadilima’y sa ating puso kaya’t naging obligasyon nating ipahayag ang kaniyang ipinahiwatig sa atin.

Tapayang ginto’y nagawa, isang simpleng koleksyon ng mga artikulo.Mga artikulo na naiambag ng mga simpleng estudyanteng minulat ng nobelang Noli Me Tangere. Hindi man gaanong makata,may sukat at tugma, at propesyonal ang gumawa, ngunit, nagpapahayag ng mas malalim na kahulugang na dapat hukayin at unawain, nagbibigay ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng panandaliang rebolusyon ng mga titik at manunulat sa katotohanang kanilang ipinaglalaban.

Ito’y isang kalipunan lang ng mga artikulo na ayon sa pananaw ng iba at ito’y nagbibigay ng bagong daan sa buhay,hindi lamang sa buhay ng mga manunulat, pati na rin as mga mambabasa nito na tinuturing na itong ginto na kinukunan nila ng ginto aral, mga ginto na yumayabong sa katalinuhang taglay. At isang panibagong hakbang patungo sa kinabukasang punong-puno ng katotohanan.

Friday, November 13, 2009

Kataksilan
Ni: Beauty Angelie Villa

Kataksilan mula sa amang tinuring na tunay,
Ay mas masahol pa sa taong kumikitil ng buhay.
Sapagkat sa likod ng lahat, inaakala’y
Siya’y nagsisilbi sa diyos ating ama’t ina.

Ngunit sa ikabigla nga’y,
Demonyo pala sa loob ay may nakahimlay.
Isip niya’y kasing itim ng itim na kulay,
At isang araw nga, nagbunga ng nakakasukdol na buhay.

Siya na resulta,
Hindi inalintina,
Buhay na inaakala,
Ay ibang iba pala.

Kasinungalingan mula rito,
Kasinungalingan hanggang doon.
Pusong nasalanta at nagdurugo,
Hustisya ang sinusumamo.

At siya nga na nagtakal,
Pinagpatuloy ang pagpapakitil.
Naku! Wala na ngang mas hihigit,
Sa ginagawang walang kwentang lagim.

Magsilbi sanang leksyon sa atin,
Na sa buhay na tinatahak natin,
Walang gantimpala sa lagim,
Maging mabait sa Diyos at mga kapatid natin.

No comments:

Post a Comment